LINGGO. Nagpasama si Sandra kay Andres sa Robinson’s Supermarket na malapit sa kanila. Katatanggap ni Sandra ng kanyang buwanang suweldo sa bangko kaya sila namimili ng kanilang mga kakailanganin sa bahay.
“Deng, ayos ka lang ba?” Tinanong ni Sandra sa nakababatang kapatid. Napagtanto niya na mistulang wala sa wisyo ang kapatid ilang araw na rin ang nakalipas.
“Ha? Ah… Okey lang naman.” Tila zombie habang nagtutulak ng grocery cart si Andres.
“Lagi ka na lang tuliling. In love ka ‘no?”
“Malabo.”
“Ay ganun? Dumadae kasi tighawat mo e. Baka naman me bagsak ka.”
“Wala, ‘no! Wag mo na lang ako pansinin.”
“O, sige. Sabi mo e. Deng, punta muna ako sa aisle 30. Kuha lang ako ng feminine wash.”
“Samahan na kita dun.”
“Ayoko. Ako na lang pupunta don.”
“Eto naman, nahiya pa. Parang iisang banyo lang naman ginagamit natin.”
Iniwan si Andres ng kanyang ate para kumuha ng feminine wash. Habang nag-aabang sa gitna ng daanan ng mga tao, sa palingon-lingon ni Andres, nakita niya si Rigor. Namimili ito ng mga chichiria sa aisle 17.
“Tol!” Maligalig ang bati ni Rigor sa papalapit si Andres. Miski isang ngiti o pagtaas ng mga kilay ay pinagdamot ng binata.
“Alam ko ginawa ng kabanda mo sa kabanda ko.”
“Huh? Di kita ma-gets.”
“Nakita ko yung kabanda mo. Me sinuhulan siyang islamero para saktan yung kabanda ko.”
“Di ko maintindihan yung sinasabi mo.”
“Kung ganyan lang naman kababaw ang mga kabanda mo, malabo ang tsansang tatagal kayo sa istilo niyo.”
Nabitawan ni Rigor ang mga dala niyang biskotso at junk food. Humawak naman ng mas mahigpit si Andres sa handle ng kanyang pushcart.
“Humanda yung banda mo sa banda namin. Kala niyo kung sino kayo.”
“Sige lang.” Halos tumalsik ang mga mata ni Rigor mula sa mga sockets nito habang si Andres naman ay nakukuhang ngumiti sa paraang pupwedeng magpasabog sa kanyang kausap.
“Andres,” Tinawag ni Sandra ang kapatid. Iniwan ni Andres ang kausap at lumapit sa kanyang ate. “Sino yun?”
“Wala. Kakilala lang.”
--
Sa talipapa ng PNU, nakatambay sina Justin, Sage at Tor. Malalim ang kanilang iniisip.
“Mga ‘tol!” Sigaw sa kanila ni Andres. “May ikukwento ako sa inyo-”
“Mag-back out na lang kaya tayo.” Binungad ni Tor kay Andres.
“Huh?” Tila namutla ang binata sa sinabi ng kanyang kaibigan. “Bakit naman?”
“E hindi pwede si Kidron e. Wala na tayong drummer.”
“Tol, hindi tayo pwedeng mag-back out. Walang atrasan!”
“Hanap na lang kaya tayo ng pamalit sa kanya.” Sabi ni Justin sa kanyang mga kasama.
“Unfair naman yun para kay Kidron.” Ika ni Sage sa kanila.
“Mag-back out na nga lang talaga tayo.” Inulit ni Tor.
Matagal na tinitigan ni Andres ang kanyang mga kasama. Walang nag-re-react sa sinabi niya. Nanahimik silang lahat.
“Tang inang ‘yan.” Binagsak ni Andres ang kanyang likod sa sandalan ng mahabang upuan. Napalingon niya ang kanyang mga kabanda. “Sinayang niyo lahat. Lahat. Lahat, lahat, lahat, lahat. Sinayang niyo lahat ng ginawa natin. Nakakadismaya lang.”
Nilayasan ni Andres ang kanyang mga kasama. Destination : Unknown.
Ang natira sa Kapritso, nanatili sa kanilang estado na hindi umiimik.
--
Kumakain si Kidron ng tinapay habang nakahilata sa sofa at nanonood ng TV, ngunit nabulabog ang kanyang RnR nang may nag-ring sa kanilang door bell.
“Pards!” Ikinagulat ni Kidron ang pagdalaw ni Andres nang pinagbuksan niya ito. “Panu ka nakarating dito?”
“Tinanong ko sa church niyo kung saan yung address niyo.”
“Buti at binigay sa ‘yo.”
“Tiningnan muna nila ako nang masama, pero ayos na rin. Kaysa naman sa cavity inspection.”
“Yay! Pasok ka muna.”
Tumuloy si Andres sa loob ng sala nila Kidron. Simple lang at maayos ang loob. Nakita niya ang isang maliit na book shelf na puno ng New at Old Testament. Ang mga dingding nila ay napaskilan ng cross-stitching ng imahe ni Hesukristo at kung ano-anong linya na mula sa Bibliya.
“Bakit walang altar sa inyo?” Tinanong ni Andres habang marahang umupo sa sofa nila Kidron.
“Alin yon?”
“Altar. Altar ng mga santo.”
“Pards, hindi kami naniniwala sa mga santo. Born again Christian kami.”
“Oo nga pala. Sensya na Pards.”
“Matanong ko lang. Ano sadya mo dito? May sasabihin ka ba sa ‘kin na importante at kailangan mo pa talaga akong dalawin dito sa bahay?”
“E kasi pards…”
Ellipsis. Pero sa isang saglit lang naman.
“Ano yun?”
“Kakausapin ko sila Mama at Papa mo.”
Naguluhan si Kidron. Hindi niya maintindihan ang balak ni Andres sa buhay niya.
Nag-ring muli ang door bell. Pinagbuksan naman din ito ni Kidron at nagpakita sa kanya ang tatlo pang pamilyar na mukha.
“Hey pards!” Bati sa kanya nila Tor, habang nasa likod niya sina Sage at Justin na nakamasid sa bahay nila Kidron.
“Ano'ng ginawa niyo?”
“Ha? Di ba dapat, ang tanong mo sa ‘min, ‘ano’ng ginagawa niyo dito’?” Puna ni Sage.
“Hindi. Kako, ano’ng ginawa niyo kanina? Bakit nauna si Andres sa inyo?”
“Nauna? Si Andres?” Tanong ni Justin.
“Oo kaya. Nandon siya sa sala.”
Akala ng tatlo ay nagbibiro lang si Kidron. Pero hindi. Ang katunayan ay kasalukuyang tinitira ni Andres ang tinapay na nasa mesita ng sala nila Kidron.
“Tae mo, Andres. Pumunta ka rin pala dito.” Umupo sa tabi niya si Tor. Binurautan siya nito ng tinapay.
“Ano’ng ginagawa mo dito? Sana sinabihan mo man lang kami na pupunta ka rin .” Wika ni Justin.
“Pweh! Tampo ako sa inyo.”
“Hala! Bakit naman?” Sumingit sa kanilang usapan si Kidron.
“Mantakin mo yun, Pards, ayaw na nilang sumali sa Clash. Gusto ka pa talaga nilang palitan.”
“Hindi sa naman sa ganon, Kidron.” Binawi ni Sage sabay batok kay Andres. “Nagkaroon kami ng option na humanap ng proxy para sa ‘yo kaso, ayaw naman naming pagpatuloy ‘to kung nasimulan natin ‘to na kasama ka.”
“Ganyan ka namin kamahal, Pards.” Kunwari ay ngumangawngaw si Tor ngunit huminto nang siya rin ay binatukan ni Sage.
“Kaya kami pumunta dito. Kakausapin namin parents mo, baka sakaling mabago namin isip nila.” Dugtong ni Justin.
“Pero si Andres, hindi namin kasama. Makikikain lang yan dito.” Kantsaw ni Tor sa kaibigan na nauwi sa kakatwang sakitan.
Nahinto sila ng dumating ang mga magulang ni Kidron. Lahat sila ay bumati ng ‘magandang gabi’ ng sabay-sabay.
“Ma, Pa.” Humalik si Kidron sa kanyang mga magulang na nanggaling sa trabaho. “ Mga kabanda ko nga p-”
“Kilala ko sila.” Malamig na sagot ng kanyang tatay. Tumingin si Andres sa noo ni Kidron. Tuyo na ang sugat pero medyo malayo pa para maging peklat.
“Pa…” Sumunod si Kidron sa kanyang papa na dumiretso sa kanilang kusina. Sumunod na rin sa kanya ang kanyang mga kabanda. “Gusto ka raw nila kausapin.”
“Tungkol saan? Tungkol sa banda-banda na naman ba?”
“Sir, pagpasensyahan niyo na po yung pangbubulabog namin sa inyo,” Abiso ni Justin. “pero gusto lang namin kayong makausap. Payagan niyo na sana ulit si Kidron na tumugtog sa ‘min.”
“Tapos ano? Mapapahamak na naman ang anak ko? Napabayaan niyo na si Kidron ng isang beses. Hindi ko hahayaang maulit ‘yon.”
“Pero sir, isolated incident lang yun. Hindi po namin inaasahan na mangyayari yun.”
“Ayan na nga. Hindi niyo inaasahan. Ano’ng malay natin at sa susunod ay hindi lang basta sugat sa noo ang matatamo ng anak ko?”
“Sir, hindi naman po laging nangyayari yun sa mga gigs namin.”
“At tsaka, baka iniimpluwensiyahan niyo ang anak namin sa mga kung anu-anong bisyo.”
“Grabe naman po kayo kung makapagsalita.” Sabi ni Tor. “Hindi naman po kami magpapakahirap na pumunta dito para lang hawaan namin siya ng ganun. Kami mismo, malinis mga katawan sa bisyo.”
“Tsaka, sa tingin niyo ba, magpapaimpluwensiya si Kidron sa amin?” Sinabi ni Andres. “Kinukwestyon niyo ba sarili niyong pagpapalaki sa kanya?”
“Ah basta. Pinal na ang naging desisyon ko. Di na siya babalik sa pagbabanda niya.”
Si Sage, na sa pangkalahatan ng argumento ng mga kabanda niya at ng ama ni Kidron, ay hinahalukay ang isang photo album na nakita niya sa sala nila Kidron.
“Uwi na nga tayo.” Yaya ni Sage sa mga kasama niya. Isang beses na nga lang siyang sisingit sa pagtatalo nila, ganoon pa ang sasabihin. “Di naman din magpapapilit yung papa niya e.”
Gulat ang kanyang mga kabanda. Napakabilis niyang sumuko. Ngunit mas nagulat si Kidron, sobrang gulat na hindi niya alam kung saang lugar siya maglulupasay.
“Ano? Di pa ba kayo gagalaw? Uwi na tayo.”
“Sa’n kayo pupunta?” Tinanong ng Papa ni Kidron.
“Kasasabi ko lang. Aalis na kami. Nagsasayang lang ang mga kabanda ko ng effort kung mangungulit kami sa isang bugnuting katulad mo.” At saka tinaas ni Sage ang kanyang kilay.
“Pare, labas na tayo.” Binulong ni Justin kila Andres at Tor. “Baka mapano pa tayo dito.”
“Bakit naman?” Isang malaking question mark sa mukha ni Andres.
“Minsan ko nang nakitang ganyan si Sage. At sinasabi ko sa inyo, hindi kayo matutuwa.”
Bago pa man makalabas ang tatlo, hinila na ni Sage si Justin sa balikat. Ganun na lang din ang paghinto ng dalawa.
“Honestly, hindi naman ganun ka-talented ang anak niyo. Di pa pulido ang palo niya. Ang pinaka-reason kaya namin siya kinuha ay dahil bibihira lang ang drummer sa school namin. That’s all.”
Palabas na sa gate sila Andres, Tor at Justin. Hindi na nila hinintay si Sage. Ayaw nilang makakita ng anumang pwedeng maging dahilan upang matapos ang mundo.
“Five years.”
Ang mainit na ulo ni Mr. de Jesus ay lumamig at nagsimula siyang magsalita.
“Five years old lang si Kidron nang malaman namin ang potential niya sa pagtugtog ng drums. Hindi lang kami ang nakakita, kundi ilang mga kilalang sessionists. Sabi pa nga ng teacher niya nung kinder pa siya, ang galing galing niya maka-pick up pagdating sa mga nursery rhymes.”
“Ano’ng kinalaman ng nursery rhymes sa pagda-drums?” Binulong ni Tor kay Justin ngunit nagkibit-balikat lang ito.
“Ipina-tutor ko siya sa isa sa pinakamagaling na drummer na kilala ko. Si Pastor Clemence Dimaano.”
“Idol, pastor Clemence.” Cheer ni Kidron.
“Shhhhh. Hinasa ni Pastor Clemence ang anak ko, hanggang sa siya ang gawing parish drummer. Seven consecutive years siyang naging drummer sa parish namin. At naudlot lang yun nang pinaanyayahan niyo siyang maging kabanda niyo.”
Lumapit ang ama ni Kidron kay Sage. Natatakot ang mga kabanda niya para sa kanya ngunit si Sage ay chill lang. Hindi umaalis sa kanyang puwesto.
“Kaya wala kayong karapatang sabihan ang anak ko na wala siyang talento.” Kahit ang ina at si Kidron mismo ay nabigla sa naging reaksyon ng ama nila.
“Masyado kang defensive.” Yaon na lang ang nasabi ni Sage sa kanila. “Aalis na po kami.”
Wala nang ibang dumagdag.
Sinamahan ni Kidron ang kanyang mga kabanda(?) palabas ng gate.
“Kita na lang tayo bukas.” Nalito na si Kidron. Maski ang magiging emosyon niya ay hindi na niya matantsa.
Lahat sila ay nakatingin kay Sage, at si Sage naman ay walang ibang ginawa kundi ang ngumiti.
--
“Ano ba kasi yung ginawa mo?” Umagang umaga ay panay ganoon ang tanong ni Tor kay Sage habang sila, kasama sina Andres at Justin, ay nagninilay sa talipapa.
“Ang kulit. Ano ba sa tingin mo ang ginawa ko? E di sinagot-sagot ko tatay ni Kidron.”
“SAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGE!!!!”
Dumating si Kidron. Sa pagkakakita niya sa Kapritso, si Sage ang una niyang nilapitan. Binigyan niya ito ng yakap na halos makasakal sa dalaga.
“God blessed us, Sage. God blessed us, Kapritso! Hallelujah! Yes!”
“Bakit, bakit?” Tanong ng iba pa nilang mga kabanda, lalo na ni Justin na di maintindihan kung para saan ang pagyakap ni Kidron kay Sage (at kung bakit din siya naninibugho).
“Pinabalik na ‘ko ni Papa sa pagbabanda.” Naghumiyaw siya. Sumali na rin sila Tor at Andres sa sobrang tuwa.
“Pero pa’no nangyari yon?” Tinanong ni Justin.
“Yung mga pinagsasasabi ni Sage kay papa ang naging dahilan. Sobrang na-offend si Papa sa sinabi niya na sa tingin niya ay hindi kayo marunong tumingin ng totoong talent kaya pinabalik niya ako para ipamukha ko sa inyo kung ano ang totoong galing.”
“Wow! Di ko alam kung maganda ba ibig sabihin nun o hindi.” Sabi ni Tor.
“Pa’no mo naman nalaman na yun dapat yung gagawin mo?” Tanong ni Justin kay Sage.
“Well…” Flashback ni Sage.
“Wow!” Eto ang nasabi ni Sage habang hinahalukay niya ang photo album ni Kidron na naglalaman ng mga pangyayari sa buhay drummer niya. “Talagang ginawan niyo siya ng ganito ha.”
“Tatay niya ang nag-isip niyan.” Sumagot sa kanya ang nanay ni Kidron. “Kinukutya kasi siya ng side ko. Pa’no kasi, wala siyang talent. Samantalang sa ‘min, walang miyembro na hindi marunong sumayaw o umawit. Kaya nang malaman niya yung kakayahan ni Kidron, pinagmalaki niya ito sa angkan namin. Pinagmalaki niya na meron ding talento ang dugo niya. Parang ganun ba.”
“Saka ako nakaisip ng gagawin.” Tapos na ang flashback ni Sage.
“Okay na rin. At least, nagbalik-loob na sa ‘tin si Kidron.” Itinaas ni Andres ang kanyang kamao bilang pagbubunyi.
“Super thank you talaga, Sage.” Niyakap ito ni Kidron ng napakahigpit. Heto namang si Justin ay hinampas ang binata ng cartolina na gagamitin niya pang-visual aid. “Mangiyak-ngiyak ako kagabi nung sinabi mong hindi ako masyadong pulido sa kakayahan ko.”
“Sensya na, Kidron. Di ko naman talaga gustong sabihin yun.” Dispensa ni Sage.
“Yon oh! Buo na ulet ang Kapritso. Balik rehearsal na tayo!” Maligalig na sinabi ni Tor sa mga kabanda. “Oy, Andres.”
“Huh?” Si Andres na nagkamalay nang tapikin siya ni Tor. Nakatitig na naman sa kawalan. “ Oh sige. Kayo bahala.”
“Bigla ka na lang nawala sa sarili mo. Praning ka na naman diyan.”
“Nag-iisip lang.”
“Ano iniisip mo?” Napalingon ang iba sa malumanay na boses ni Sage.
“Ang lapit na rin kasi ng Clash. Ang dami pa nating kelangang gawin. Baka kasi hindi tayo manalo niyan pag kulang tayo sa practice.”
“Alam mo, sa ‘ting lima, ikaw yung hindi ko inaasahan na magsasabi ng ganyan.” Sinabi ni Justin kay Andres. “Masyado ka yatang naapektuhan ng issue ng banda natin.”
“Kasalanan din namin.” Sabi naman ni Tor. “Sorry, p’re.”
“Sorry din sa inyo. Dapat pala ang iniisip ko e yung passion natin sa pagtugtog.”
Nanahimik silang lahat.
“Ambilis naman nun. Nag-sorry kagad.” Kumento ni Kidron. At bumalik na naman ang masaganang tawanan ng grupo.
--
Kagagaling lang ni Kristine ng school. Matindi ang kanyang pagod sa dinami-daming school work. Ang nasa isip niya ay magkulong sa kwarto at magpahinga. Ngunit nalingat ang kanyang utak nang mapansin niya ang dalawang tao na nasa duyan nila sa labas ng kanilang hardin.
“Saang banda ba yung sinasabi mo, yung sa intro o sa chorus?” Panay ang pangungulit ni Sage kay Justin. Tulad ng ipinangako sa kanya, nagpapaturo siya ng riff ng kanta ng Chicosci.
“Wala naman dun yun e. Alam mo, hindi tayo magkakaintindihan niyan. Kelangan, naka-electric talaga tayo. .” Sagot ni Justin na kahit medyo napipika na sa pangungulit ng dalaga ay hindi pa rin napipikon ng tuluyan. “Oh, Kristine. Nakauwi ka na pala.”
“Oo nga e. Hi Sage. Uhm… good… evening?”
“Good evening din.” Si Sage ay nahihiya, si Kristine naman ay naguguluhan. At si Justin naman ay natutuwa.
“Kanina pa kayo dito?”
“Hindi. Kararating lang din namin.” Sinagot ni Justin.
“Ipagtimpla ko kayo ng juice, gusto niyo?”
“Sige. Salamat.”
Pumasok si Kristine sa kanilang bahay na aakalaing nakakita ng white lady.
“Okay lang ba talaga na nandito ako?”
“Oo naman. Sira ‘to.” Saglit na dinampi ni Justin ang dulo ng kanyang mga daliri sa pisngi ni Sage. Parang sampal na mahina. Sampal na pa-cute.
Dumating si Kristine na dala ang isang pitcher ng juice at dalawang baso para sa kanyang kuya at sa bisita nito.
“Kuya, eto na.” Sandali at pasimple siyang sumulyap kay Sage na sa mga sandaling iyon ay kinakalikot ang gitara.
“Salamat.” Ice breaker. “Ang tagal na ring di napapadpad dito si Sage. Na-miss na niya raw luto mo.”
“Talaga?” Napangiti si Kristine. Totoo ang sinasabi ng kanyang kuya. Sa kanilang biyahe papunta sa bahay nina Justin, pasimpleng siningit ni Sage sa usapan nila kung aabutin sila ng hanggang dinner time.
“Yung igado mo.” Tumingala si Sage sa magkapatid. “Ang sarap ng luto mo nun. Si Mama kasi, di marunong ng ganun.”
“May sliced meat ata na binili si Papa kanina. Yun na lang hapunan natin.”
“Oh? Sige, sige. Tutal, ang dami mo nang atraso sa bahay.” Kantsaw ni Justin. Binelatan naman siya ng kapatid saka bumalik sa loob ng bahay para maghanda ng hapunan nang may ngiti sa labi.
Nanahimik muli silang dalawa. Tinatanaw ni Justin mula sa bintana ng kanilang bahay ang kanyang mga nakababatang kapatid na nanonood ng TV habang binabasa ni Sage ang tabs na si Justin mismo ang nangapa at nag-encode.
“May itatanong ako.” Halos pabulong na sinabi ni Sage kay Justin.
“Ano yun?”
“Okay lang ba sa tatay mo na nagbabanda ka ulit?”
“Bakit mo natanong?”
“Naalala ko lang kasi si Kidron. Tapos na-recall ko rin na hindi din pala okay yung Papa mo sa ‘yo pagdating sa pagbabanda.”
Kinamot ni Justin ang kanyang baba, at bigla niyang naalala ang naging diskusyon nila ng tatay niya nang makauwi siya matapos ang huling gig nila.
Dahan-dahang binuksan ni Justin ang pintuan. Iniiwasan niyang may magising.
“Ano’ng oras na?” Nakaupo sa couch si Marlon. Madilim ang mukha at halatang hindi man lang umidlip sa kakahintay kay Justin ng buong gabi.
“Shit!” Nabagsak ni Justin si Aiko na marahan niyang nilalapag.
“Ano’ng oras ka na naman nakauwi?”
“Di ba, nagpaalam naman ako sa ‘yo?”
“Sinabi mo lang sa ‘kin na gagabihin ka ng uwi. Hindi mo sinabi kung ano’ng gagawin mo para gabihin ka ng ganyan.”
Hindi na pinansin ni Justin ang nirereklamo ng tatay niya sa kanya at tuloy na pumunta sa kanyang kwarto, pero tumindig ang tatay niya at hinablot siya nito sa balikat.
“Tumawag ako kay Mr. Tindugan kanina kasi iniisip ko na may team building kayo para sa rondalla. Pero sabi niya, matagal ka na raw wala sa grupo.”
“Oo.” Tinigasan ni Justin ang kanyang sagot. “Nag-quit na ako.”
“Bakit ka nag-quit? Dahil me banda ka na naman?”
“E ano ngayon sa ‘yo kung may banda na ulit ako?”
Lalayasan na ulit sana ni Justin si Marlon ngunit hinablot na siya nito sa braso. Mahigpit ang kanyang kapit, halos bumakat na ang mga daliri niya sa kamay ng anak.
“Kaya nga kita nilagay sa rondalla. Para mailayo ka sa masama mong kapritso.”
“Masamang Kapritso?” Natawa si Justin at di naman maintindihan ni Marlon kung bakit.
“Bakit? Ano’ng nakakatawa don?”
“Wala.”
“Bukas na bukas, tatawagan ko si Sir Tindugan mo. Pipilitin ko siyang ibalik ka sa rondalla.”
“Wag na.”
“Bakit?”
“Ayoko na bumalik don.”
“Bakit?”
“Kasi… may iba na akong pinagkakaabalahan.”
“Alin? Ang pagbabanda? Tigilan mo ‘yan, Justin! Sinasabi ko sa ‘yong bata ka.”
“Ang laki ng problema mo!” Nakuha ni Justin ang lakas para kumalas sa mahigpit na kapit sa kanya ni Marlon. “Wag ka ngang magkunwari na may paki ka.”
Umalis si Justin at umakyat sa kanyang kwarto, iniwan ang amang dismayado sa sarili.
Kinaumagahan…
“Justin…”
“Oh?” Nagising ang binata sa malakas na pagyugyog sa kanya ng kanyang ama.
“Bumangon ka dyan.”
“Bakit?” Bumangon si Justin sa kanyang kama. Hindi pa niya maidilat ang mga mata niya.
“May pupuntahan tayo.” Tinapon ni Marlon ang twalya sa mukha ni Justin.
.
Sakay ng Sedan, dumaan ang mag-ama sa isang tindahan sa Dangwa at bumili ng forget-me-nots.
“Balik po kayo ulit, Sir.” Sabi ng matandang tindera.
“Sige, nay.” Sagot ni Marlon sa manang.
Bumalik sila sa sasakyan. Nagbiyahe sila ng mahigit labinlimang minuto saka sila nakarating sa sementeryo. Ilang dipa lang mula sa main entrance ay ang puntod ng ina ni Justin. Malinis ito bukod sa bakas ng mga nabulok na bulaklak.
Umupo sina Marlon at Justin sa lupa sa paligid ng puntod ng kanilang nanay. Inilapag ni Marlon sa lapida ang paboritong bulaklak ng yumaong asawa – forget-me-nots.
“Eto ba yung lagi mong pinupuntahan tuwing Sabado ng umaga?” Kinokortehan ni Justin ang limbag ng pangalan ng nanay niya sa lapida gamit ang kanyang mga daliri.
“Oo.” Pinagmamasdan ni Marlon ang larawan ng dating asawa sa lapida. Ito ay nanggaling sa noong sila ay nagha-honeymoon. Umiihip sa kanyang buhok ang hangin na nanggaling sa dalampasigan. Kahit nakanganga, maganda ang ngiti niya. Makinang ang kulay brown niyang mata.
“Akala ko, maaga lang talaga ang trabaho mo tuwing Sabado.”
“Hindi. Dapat nga si Charlene ang kasama ko ngayon kaso hindi bumabangon e. Kaya ikaw na lang.”
“Bakit nga ba hindi mo ako sinasama dito?”
“Baka kasi maalala mo na naman yung galit na nararamdaman mo sa ‘kin.”
Hindi sumagot si Justin. Nilayo niya ang tingin niya sa ama hangga’t pwede.
“Kung maibabalik ko lang ang dati, babaguhin ko talaga yung mga nangyari noon.” Bahagyang ngumisi si Marlon at nagpatuloy sa pagsasalita. “Na-promote nga ako nung mga time na yun, pero hindi ko naman naabutan ang nanay mo hanggang sa mga huling sandali niya.”
Tumitig sa malayo si Justin, habang patuloy na nakikinig sa ama.
“Masagana ang buhay natin. Pero mas masagana siguro yun kung nandito pa si Arlene.” Kinuha ni Marlon ang kanyang pitaka mula sa bulsa ng lonta. Binuklat niya ito. Doon, ang unang lilitaw ay ang litrato ng yumaong asawa na malayong malayo sa kanyang litrato sa lapida. Payat at nakahiga lang sa hospital bed. Ngunit naroon pa rin ang kinang ng mga mata niya. “Baliw din ‘yang nanay mo e. Talagang ang tawag niya sa kama niya, death bed. Sabi niya rin, pag wala na raw siya, ayaw niya ng white roses. Gusto niya, forget-me-nots para daw ‘you will forget me not’. At marami ring binilin ang nanay mo sa ‘kin, lalo na pagdating sa ‘yo.”
Ang titig ni Justin sa malayo ay natuon kay Marlon. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha habang siya ay nagkukwento.
“Pero ang summary ng lahat yun ay ‘huwag mong pahihirapan ang panganay natin’.” Tumingin siya sa anak niya. Tumatakbo sa isip niya ang mga pagkakataong nadadatnan niya si Justin na nagluluto, nag-aalaga sa mga kapatid niya, naglilinis ng bahay at nagbabayad ng mga bills sa bahay. Pati rin ang mga gabi at umaga na darating siya mula school, kung hindi haharap sa computer para gumawa ng written report o dadako sa study table para gumawa ng instructional materials niya, ay hihilata ito sa kung saan man siya abutin ng antok. “Mukhang… di ko yata natutupad yung bilin ng nanay mo.”
Nangingilid na ang luha ni Justin na siya namang pinupunasan nang hindi nagpapahalata sa kanyang ama.
“Di ba, nakanood na yung Mama mo sa gig niyo?”
“Oo.” Hirap na sa pagsasalita si Justin. Parang bumabara ang ilalabas niyang hikbi sa kanyang lalamunan. “Yung unang tugtog ko.”
Hinding hindi makalilimutan ni Justin ang pagpunta ng nanay niya sa kanyang unang beses na pagsalang sa entablado. Medyo kabado pa siya noon dahil siya lang ang baguhan sa kanilang banda at matindi ang takot niyang mapahiya. Ngunit nang makita niya ang nanay niya sa gitna ng audience na nanonood sa kanya, tumalsik ang lahat ng iniinda niya palabas sa katawan niya. Sa sobrang galak, sandali niyang ninakaw ang mic mula sa vocalist nila at sumigaw ng ‘Aylabyu Mama!! Da best kayo!’.
“Patawarin mo sana ako, anak, kung hindi ako naging mabuting ama sa ‘yo.”
Walang sali-salita. Niyakap ni Justin ang kanyang ama. Mabasa man ang damit nito gawa ng uhog at luha niya ay okay lang.
“Ano ka ba? Kalalaki mong tao, iyakin ka.” Natatawa si Marlon habang hinahayaan niyang tumulo ang sariling mga luha.
“Ay.” Bumitaw si Justin sa pagkakayakap sa ama. “Nakakahiya kay Mama. Hehe.”
“Madali pa naman yun maasar pag nakakakita ng umiiyak.”
Ang iyakan ay naging tawanan. Matagal nang hindi nagkakaroon ng ganoong pagkakataon ang mag-ama. Lalong nabawasan ang tsansa nang mawala ang kanilang ilaw ng tahanan. Ngunit, okay na. Puwede na ulit sila maging masaya.
“So, yung dati mong mga kabanda ang kasama mo ngayon?”
“Hindi.” Sininghot ni Justin ang kanyang sipon. “Mga schoolmate ko sila sa Normal.”
“Buti, nakahanap ka ng mga kabanda doon.”
Tumingala si Justin sa langit at ngumiti. “Kaya nga e.”
“Minsan naman, isama mo ako sa mga tugtog niyo. Alam ko, konyo ako pero kaya ko namang maki-relate dyan e.”
Natawa si Justin sa sinabi ng kanyang ama noong mga panahon na iyon.
.
Tapos na si Justin sa kanyang kinukwento. Kinuha ni Sage ang kamay nito ang ngumiti sa kanya.
“Sage…”
“Bakit?”
Nilapit ni Justin ang mukha niya sa mukha ni Sage. Ramdam ng dalaga ang mainit na hiningang lumalabas mula sa butas ng labi niya.
“Kamukha mo si Lalay Lim.”
“H-huh?”
“Oo kaya.” Biglang inayos ni Justin ang kanyang tindig at ngumisi kay Sage. “Pareho kayong singkit. Parehong mataba. Parehong cute. Bakit kaya hindi napansin ng mga kabanda natin yun, lalo na ni Andres?”
Tumawa nang malakas si Justin. Sa sobrang asar naman ni Sage sa ginawa sa kanya ng binata, sinuntok niya ito nang malakas sa braso.
“Aray!”
“Hah hah! Gantihan lang.” Tatawa na rin sana nang malakas si Sage pero inunahan na siya nito ng halik. Nagdampi lang naman ang kanilang mga labi, pero ang pakiramdam ay parang malaking alon na sumugapa sa kanila.
Kumawala kaagad si Sage, ngunit ang pagtitig niya ay nakalaan pa rin kay Justin. Unti-unti silang napangiti at natawa sa isa't isa.
Umakbay si Justin habang kinuha naman at hinagkan ni Sage ang kamay niya. Nakalimutan na ng dalawa ang totoong pakay nila.
“’Te!! Sila na nga ulet!!” Sumigaw si Charlene kay Kristine. Sa isang maliit na siwang sa kurtina ng bintana ng kusina, doon nila sinilip ang kuya niya at ang bet nilang ‘asawa’ nito.
“Ssshhh! Ang ingay mo.” Inakmaan pa ni Kristine ang kapatid gamit ang dala niyang sandok.
“Nag-kiss kaya sila Kuya.” Singit naman ni Marilyn.
“Weh?!” Lumuwa ang mga mata ng dalawang ate ng bata, saka nila narinig ang busina ng sasakyan ng kanilang tatay. Nagsibalikan ang magkakapatid sa dati nilang puwesto at ginagawa.
Dumating sa may Bluestone ang Kapritso.
“Hapota.” Nasabi na lang ni Andres nang makita ang lipon ng sangkaterbang banda na nagsisiksikan sa harap ng studio.
“Ang daming tao!” Nawindang si Tor sa dami ng gustong gumamit ng studio.
“Lahat kaya sila, kasali sa Clash?” Natanong ni Kidron sa kanyang mga kasama habang nagkikiskis siya ng drumsticks.
“Maaari.” Sinagot ni Justin na pinagmamasdan din ang mga grupo ng pinaghalong emo, goth, grunge at boloks.
Dumating si Norman na lulan ng kanyang motor scooter. Habang tinatanggal ang helmet, unti-unti niya ring napapansin ang pagkakadagsa sa kanyang studio.
“Nong!” Kumaway si Sage kay Norman. “San kayo galing?”
“Pinaayos ko yung isang ampli sa kakilala ko. Grounded yung jack. May baliw kasi na bagets na nagpasok ba naman ng Red Horse sa loob ng studio.” Natawa ang lima sa kinuwento ni Norman. “Kanina pa ba kayo nandito?”
“Di naman po” Sagot ng dalaga. “Sino nagbabantay sa studio kanina habang wala kayo?”
“Andito yung kumpare ko na taga-Maynila.”
Lumabas si Serge galing sa studio. Tagaktak ang kanyang pawis at may nakasingit na Marlboro red sa kaniyang mga labi.
“Man, ikaw naman.” Sabi ni Serge kay Norman habang nagpupunas ng pawis gamit ang kaniyang bimpo.
“Sensya na kung medyo natagalan.” Sinukat muli ni Norman ang makapal na bilang ng tao. "Pre, naalala mo yung banda na pinanood natin sa video? Eto sila oh."
Galak na nginitian at kinamayan ni Serge ang bawat miyembro ng Kapritso.
"Wow! Eto yung idol ko na bassist." Sabi ni Serge nang matapat siya kay Sage.
"Pre, yan nga pala si Sage." May saglit na katahimikan kay Norman. Matapos ay sinabi niyang, "anak yan ni Rose."
Nawala ang ngiti sa mukha ni Serge. Napalitan ito ng ekspresyon ng pagkagulat at pagtataka.
"Nanay mo si Rose Banaag?" Naniguro si Serge.
"Opo." Napapatingin si Sage sa mga kasama niya, at tulad nila, hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Ngunit, may naramdaman siyang kakaiba ng magtapo ang mata nila ni Serge. Tila may matagal nang nawawala na nahanap niya.
Bumitaw si Serge. Pakiramdam niya ay mas pinagpawisan siya sa paglabas niya ng studio.
"Pre, balik na 'ko sa loob." Batid niya kay Norman at nawala siya sa gitna ng nagkumpulang tao.
"Paano ba yan?" May bakas ng pagkadismaya sa mukha ni Norman. "Mukhang aabutin pa kayo ng siyam-siyam bago makasalang sa loob. Hanap na lang siguro kayo ng iba."
"Ep, ep!" Kumakaway si Andres sa mga kasama niya. "Si Tor ang solusyon sa problema natin."
Lahat sila ay napalingon kay Tor na sa mga oras na iyon ay nakapangalumbaba at mataintim na nag-iisip. Nakita niyang nakatingin ang mga kabanda niya at saka siya nakaramdaman ng awa mula sa mga tingin nila.
"Hay... Oo na, oo na. Ako na bahala. Pero iingatan niyo - AND I REPEAT - iingatan niyo yung mga gamit ko dun."
Walang nakaintindi sa sinabi ni Tor.
"Tulad nga ng sabi ko mga kapatid, si Tor ang solusyon sa mga problema natin." Nagsimulang magpaliwanag si Andres sa kaniyang mga kasama. "Merong built-in full blown studio si Tor sa bahay. Yehey! Hindi ba exciting yun mga bata?"
"Di ko naman masasabing full blown siya." Bawi ni Tor. "Walang percussion sa bahay e."
"Pwede nating dalhin yung drum set ko na nasa bahay." Suhestyon ni Kidron. "Kaso, kelangan natin ng sasakyan."
"Ay gat it, yow!" Sigaw ni Andres.
--
Halos maubusan ng hininga sina Justin at Sage sa kaka-wow at whoa nila nang mamataan ang magarbong bahay nila Tor. Nalaglag naman ni Kidron ang buhat na bass drum sa sobrang mangha.
"Totoo nga yung sinasabi ni Andres. Anak ka ng drug lord." Nasabi ni Justin sa pagkamangha. Napailing na lamang si Tor.
Lumapit si Andres sa nagmaneho ng dyip na sinakyan nila mula sa Bluestone hanggang sa bahay nila Tor.
"Pa, salamat ha." Labas lahat ng ngipin ni Andres nang ngumiti siya kay Mang Obet na abalang abala sa pagpupunas ng pawis sa kanyang noo.
Lumapit din sa kanila si Tor.
"Tito, salamat ho. Tsaka, pasensya na rin po kung naabala ka namin sa biyahe niyo." Wika niya kay Mang Obet.
"Ay nako, wala yun, anak. Pagarahe na rin naman ako."
"Sige, Pa. Kami na bahala dito. Salamat ulit."
"Umuwi ka ng maaga ha." Banta ni Mang Obet sa anak. "Hahatawin kita ng pinggan pag tumambay ka pa sa bilyaran."
Umalis na ang dyip ni Mang Obet at tumuloy sa pagpasok ang Kapritso.
Nawindang muli sina Justin, Kidron at Sage nang makita ang loob ng bahay nina Tor. Sumalubong naman kaagad sa kanila sina Aling Baby at Aling Tess.
Binilang ni Andres ang mga humarap sa kanila na kasambahay.
"P're," Lumingon siya kay Tor. "Bakit kulang?"
"Kulang?" Napaisip si Tor. "Ah oo. Naabutan mo nga pala si Jelly. Wala na siya e. Nakipagtanan kasi siya dun sa hardinero ng kapitbahay namin."
"Ganun? Wawa naman."
"Bakit? Type mo ba siya?"
Tinawanan lang si Tor ni Andres.
"Magandang hapon." Binati ni Aling Baby ang mga bisita. "Jr, mga kaklase mo rin sila?"
"Ay, hindi po." Sagot ni Tor. "Mga kabanda ko po sila."
"Ganun ba? Oh sige, paghahanda muna namin kayo ng miryenda."
At umalis ang mga kasambahay.
Umakyat silang patungo sa silid walaan ni Tor, at tulad ng inaasahan ni Andres, napanganga ang tatlo sa unang pagtapak sa kwarto.
"Alam ko. Ganyan din unang reaksyon ko dito." Wika ni Andres sa kanyang mga kasama.
Sinuyod nila ng tingin ang buong silid na puno ng mga kagamitang pangtugtugan.
"Astig naman ng kwartong 'to." Sabi ni Justin kay Tor. "Magkano nagastos mo dito?"
"Hmm..." Nagbilang si Tor sa daliri at nag-compute sa hangin. "Mga kulang-kulang 250k."
"Grabe! Laki naman."
"Mura na yun, kasama na don yung construction. May engineer kasi ako na tito kaya ginawa na niya 'tong kwarto ko na may sound proofing nang hindi na nilalagyan ng karton ng itlog."
"Ang hirap naman i-compute yung ganung value." Ika ni Sage sa sarili niya.
"Ehem, Math major!" Sabay turo ni Andres sa kanilang dalawa ni Tor.
"Figurative speech 'yon."
"Ha?"
"Ehem. English major."
"Anyway," ang pag-awat ni Kidron sa magiging sagupaan ng dalawa. "Mag-start na tayo sa rehearsal."
Halos maubusan ng hininga sina Justin at Sage sa kaka-wow at whoa nila nang mamataan ang magarbong bahay nila Tor. Nalaglag naman ni Kidron ang buhat na bass drum sa sobrang mangha.
"Totoo nga yung sinasabi ni Andres. Anak ka ng drug lord." Nasabi ni Justin sa pagkamangha. Napailing na lamang si Tor.
Lumapit si Andres sa nagmaneho ng dyip na sinakyan nila mula sa Bluestone hanggang sa bahay nila Tor.
"Pa, salamat ha." Labas lahat ng ngipin ni Andres nang ngumiti siya kay Mang Obet na abalang abala sa pagpupunas ng pawis sa kanyang noo.
Lumapit din sa kanila si Tor.
"Tito, salamat ho. Tsaka, pasensya na rin po kung naabala ka namin sa biyahe niyo." Wika niya kay Mang Obet.
"Ay nako, wala yun, anak. Pagarahe na rin naman ako."
"Sige, Pa. Kami na bahala dito. Salamat ulit."
"Umuwi ka ng maaga ha." Banta ni Mang Obet sa anak. "Hahatawin kita ng pinggan pag tumambay ka pa sa bilyaran."
Umalis na ang dyip ni Mang Obet at tumuloy sa pagpasok ang Kapritso.
Nawindang muli sina Justin, Kidron at Sage nang makita ang loob ng bahay nina Tor. Sumalubong naman kaagad sa kanila sina Aling Baby at Aling Tess.
Binilang ni Andres ang mga humarap sa kanila na kasambahay.
"P're," Lumingon siya kay Tor. "Bakit kulang?"
"Kulang?" Napaisip si Tor. "Ah oo. Naabutan mo nga pala si Jelly. Wala na siya e. Nakipagtanan kasi siya dun sa hardinero ng kapitbahay namin."
"Ganun? Wawa naman."
"Bakit? Type mo ba siya?"
Tinawanan lang si Tor ni Andres.
"Magandang hapon." Binati ni Aling Baby ang mga bisita. "Jr, mga kaklase mo rin sila?"
"Ay, hindi po." Sagot ni Tor. "Mga kabanda ko po sila."
"Ganun ba? Oh sige, paghahanda muna namin kayo ng miryenda."
At umalis ang mga kasambahay.
Umakyat silang patungo sa silid walaan ni Tor, at tulad ng inaasahan ni Andres, napanganga ang tatlo sa unang pagtapak sa kwarto.
"Alam ko. Ganyan din unang reaksyon ko dito." Wika ni Andres sa kanyang mga kasama.
Sinuyod nila ng tingin ang buong silid na puno ng mga kagamitang pangtugtugan.
"Astig naman ng kwartong 'to." Sabi ni Justin kay Tor. "Magkano nagastos mo dito?"
"Hmm..." Nagbilang si Tor sa daliri at nag-compute sa hangin. "Mga kulang-kulang 250k."
"Grabe! Laki naman."
"Mura na yun, kasama na don yung construction. May engineer kasi ako na tito kaya ginawa na niya 'tong kwarto ko na may sound proofing nang hindi na nilalagyan ng karton ng itlog."
"Ang hirap naman i-compute yung ganung value." Ika ni Sage sa sarili niya.
"Ehem, Math major!" Sabay turo ni Andres sa kanilang dalawa ni Tor.
"Figurative speech 'yon."
"Ha?"
"Ehem. English major."
"Anyway," ang pag-awat ni Kidron sa magiging sagupaan ng dalawa. "Mag-start na tayo sa rehearsal."
"Tama si Kidron." Sang-ayon si Justin. "Simula na natin 'to with something cool."
"Cool pa daw." Asar ni Andres kay Justin sabay kuha ng mic.
Isang dagling bilang sa cymbals, at nagsimula na sa intro sina Kidron, Justin, Sage at Tor.
Pinaugoy ni Andres ang kanyang katawan sa saliw ng kanta. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya sa isang malamig na gabi.
Whoa whoa whoa, I know you hate it
When I say these things right in your face
Napapangiting muli si Andres. At ramdam din niya na naaaliw din sa musika ang kanyang mga kasama.
But I can't lie, you know me better
It's coz the words inside just speak the truth
Dumating sina Aling Tess at Aling Baby na may dalang biskwit at juice. Nang mailapag ng dalawa ang kanilang dala, lumapit si Andres kay Aling Tess at tinitigan ito ng diretso sa kanyang mga mata.
One look, and I'm mesmerize by your eyes
You come in like a hurricane
Blowing down on me
Napahimas sa pisngi si Aling Tess. Naramdaman niya ang sarili na namumula sa kilig. Sumunod naman ay kinuha ni Andres ang kamay ni Aling Baby at isinayaw ito.
Coz it's a mystery that captures me
I'm falling in, drawing closer and now
Oh now, yeah
Humagikgik sa galak ang dalawang kasambahay. Naibalik ang pakiramdam ng pagiging bata sa pag-aliw sa kanila ni Andres.
Hindi lang ang bokalista ang nagsisiya. Parang beach party ang itsura ng mga instrumentalista. Tamang suray, tamang gewang. Sumimple pa ng kiss si Justin sa pisngi ni Sage.
--
Nakahilata sa kawayang sofa si Andres habang naglilinis ng sala ang kanyang nanay. Nakita siya ni Sandra at saka siya inupuan ng kanyang ate sa tiyan.
"Araaaaaaaaaay!" Sigaw ni Andres.
"Higa higa din." Sabi ni Sandra sa kanya.
"Ano ba? Nagme-meditate ako."
"Meditate ka pang nalalaman dyan. Ano yan? Para sa midterms?"
"Hindi ah." Inayos ni Andres ang kanyang pagkakahiga at pumikit. "Para sa tugtog namin 'to."
"Talaga naman. Bakit nung mga unang tugtog niyo naman, walang ganyang factor?"
Bumangon si Andres. Pinandilatan niya si Sandra at tinitigan.
"Ate, bukas na ang Clash."
"Oh, tapos?"
"Ate, unang battle of the bands ko 'to. Malaki 'to."
"Malaki ang alin?"
Napakamot ng ulo si Andres.
"Ate, nakakailang tugtugan pa lang ako. Dalawa! Tapos isasalang na kaagad ako sa labanan."
"Ano ngayon? E magaling ka naman kumanta."
"Pano kapag nagkalat ako?"
"Pag nagdala ka ng basura sa stage o natae, dun ka lang magkakalat."
"Pano pag di natuwa yung mga kabanda ko sa 'kin?"
Hinawakan ni Sandra ang magkabilang pisngi ni Andres upang yugyugin ang ulo nito.
"Hello! Wag ka nga mag-isip ng ganyan, Deng. Mahalaga, yung experience niyo." Napaisip si Andres. Tama nga naman ang ate niya. "Nag-practice na ba kayo?"
"Kahapon sa school. Tapos sabi ko, walang practice sa mismong araw bago ng battle para hindi pagod sa kakaensayo."
"Wow! Parang board exam lang ha."
Noong araw bago yaon ay nag-ensayo sina Andres sa kanilang paaralan. Dahil sunod-sunod ang kanilang jamming sa band studio at dahil sa ubos na rin ang kanilang pera, nag-ensayo na lang sila gamit ang kanilang mga acoustic na gitara.
Nag-jamming sila sa ilalim ng puno ng mangga na nakatirik sa tapat ng main building ng campus. Ang kanilang audience ay ang mga first year na nakatambay doon.
Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa 'yo
Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko
Ang mga freshmen na sana ay magsasagot ng kanilang worktext sa Physical Science ay binaling ang kanilang mga atensyon sa grupo ng mga estudyanteng tumutugtog.
Sagutin mo lang ako, aking sinta,
Walang humpay na ligaya
Kahit hindi nila mga kakilala, sumabay na rin ang mga first year kila Andres.
At asahang iibigin ka
Sa tanghali't sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik
At buong ligaya
Kahit nagkakatuwaan na, sumenyas pa rin sina Justin na hinaan ang kanilang mga boses. Mahirap na at baka masita pa ng propesor na padaan-daan sa pasilyo.
Napansin ni Andres ang isang lalaki na nakamasid sa kanila sa buong oras na sila ay nag-eensayo.
"May problema, pards?" Si Kidron na kasalukuyang hawak ang isang tamborine ay napansin ang biglang pagkalingat ni Andres. Umiling lamang ito at ngumiti sa kanya.
Nang maramdaman ni Andres na wala na ang atensyon ni Kidron sa kanya, lumingon siyang muli sa lalaking nakamasid, ngunit, sa nakita niya ay wala na ito.
--
Sa pinakamalapit na branch ng McDonald's sa Taft ay makikita sina Yasmin, Jade at Cloe. Ang tatlo ay nakaupo ng pa-dekwatro habang dahan-dahang sinusubo ang french fries na nakasabog sa tray. Lahat sila ay nakatingin sa gawi ng pinto. Naka-extend na ang kanilang mga leeg upang makita nila ng husto ang mga papasok.
Isang grupo ng anim na lalaki ang pumasok sa loob ng establisyamento. Kabilang sa grupo na ito si Rigor, ang kanyang mga kabanda at isa nilang kaeskewela.
Nang makita nila ang Kawaii, lumapit ang mga lalaki at pumwesto sa mesa nila.
"Hi, Ten Twenty." Ang bati ni Yasmin na pagkagiliw-giliw at may kinang sa kanilang mga mata. "Ano'ng update?"
"Eto..." Sabi ng isang kaeskwela ng Ten-Twenty. Nilabas niya ang kanyang cellphone na isa sa pinakabagong model ng Samsung. Nilapag niya ang cellphone sa gitna upang makita ng lahat ng nakaupo ang video na pinapalabas nito. Ang laman ng video ay ang rehearsal nila Andres ng kanilang mga kanta para sa darating na battle of the bands.
"Eraserheads? Hindi ba nakakasawa na mag-cover para sa bandang yan?" Sinabi ni Cloe. Nakita niya ang anim na lalaki na masama ang tingin sa kanya. Sinesenyasan naman siya ng kanyang mga kabanda. "Okay, okay! Sorry!"
"E ano gagawin namin dyan?" Tumingin si Jade sa paligid ng mesa habang kinakain niya ang kanyang mga kuko.
"Kami na ang bahala dito." Sinabi ng bokalista ng Ten-Twenty. "E kayo? Asan ang ambag niyo?"
"Kami na ang bahala sa materials." Lumingon si Yasmin sa kanyang mga kabanda na may demonyitang ngiti sa kanyang mukha.
"Set na ang lahat." Paniniguro ni Rigor sa kanyang mga kasama. "Kailangang pumalya ang Kapritso sa Clash."
Tumango ang lahat bilang pagsang-ayon sa kanilang plano.
"Meeting adjourned." Tumayo ang anim na lalaki. Paalis na silang lahat pero nakuha ng Kawaii na hilain ang braso ng kaeskwela ng Ten-Twenty.
"Bakit aalis ka na agad?" Tinanong ni Cloe na nakangisi pa.
"May practice pa kaya tayo." Kiniskis naman ni Jade ang mukha niya sa braso ng lalaki. Napilitan ang lalaking umupo kasama ang mga bago niyang kabanda sa Kawaii.
Habang naglalakad papalabas ang Ten-Twenty, sinundan sila ng tingin ng isang babae na naka-fedora, hipster glasses at may nakalapag na laptop at tatlong lalagyan ng monster float na sinimot hanggang straw.
"Kapritso?" Binulong ng babae sa kanyang sarili. Pakamay niyang sinuklay ang kanyang maikli at pulang buhok. Nagbukas siya ng isang web browser, isinantabi ang kanyang ginagawa sa Powerpoint at nagtiyagang hanapin sa YouTube ang bandang pinag-uusapan ng kanyang mga kalapit-mesa gamit ang kinurakot na wi-fi connection.
--
No comments:
Post a Comment